Motorista inabisuhan sa traffic sa pagbisita ni Pacquiao sa QC markets

ASAHAN na ang mabagal na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Commonwealth avenue at Edsa sa Quezon City sa Lunes dahil sa gagawing pagbisita ni dating Senador Manny Pacquiao sa mga palengke sa lugar.

“Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa paligid ng Commonwealth Market at Mega-Q Mart sa Lunes, March 10, 2025 mula 9:00 a.m. dahil sa isasagawang pagbisita ni former Senator Manny Pacquiao,” pahayag ng pamahalaang lungsod sa isang kalatas nitong Linggo.

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa,” dagdag pa nito.

Tumatakbong senador si Pacquiao sa ilalim ng tiket ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.