TINULDUKAN ni Konsehal Mark Anthony Santos ang pamamayagpag ng pamilya Villar sa Las Pinas City matapos nitong pataubin si Senador Cynthia Villar sa lone district congressional race nitong midterm elections.
Tinapos ni Santos ang mahigit tatlong dekadang paghawak ng mga Villar sa lone congressional seat nang pormal siyang iprokalamang winner ng Las Piñas City Board of Canvassers Martes ng madaling araw matapos makakuha ng 83,078 boto habang si Villar naman ay nakakuha ng 60,455.
Sinimulan ng mga Villar ang paghawak sa posisyon noong 1992 nang mapwesto si dating Speaker Manny Villar at pagkatapos ay sinalo naman ng misis na si Cynthia, at nitong huli ay si dating DPWH Sec. Mark Villar.
Pinasalamatan naman ni Santos ang mga taga Las Piñas sa ibinigay na pagtitiwala ng mga ito sa kanya.