MATAPOS mag-viral si Pasig congressional bet Christian Sia dahil sa video nito tungkol sa mga solo parents, isa na naman pulitika ang trending ngayon dahil sa pagiging sexist at discriminatory nito.
Trending ngayon si Misamis Oriental Governor and reelectionist Peter Unabia dahil sa kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa scholarship program para sa mga nursing students.
“Kining nursing (scholarship), para ra ni sa mga babaye, dili pwede ang lalaki. And, kato pa gyud mga babaye nga gwapa. (Ang nursing scholarship ay para lang sa mga babae, hindi sa mga lalaki. At kailangan, magagandang mga babae,” ayon kay Unabia sa isang campaign rally nitong Huwebes.
Anya, kailangan magagandang babae ang maging nurse dahil kung hindi maganda ay lalo lang lalala ang kalagayan ng mga pasyenteng kanilang aalagaan.
“Dili man pwede ang maot, kay kung luya na ang mga lalaki, atubangon sa pangit nga nurse, naunsa naman, mosamot atong sakit ana (Hindi pwede ang pangit dahil kung ang pasyente ay lalaki, mas lalala ang lagay nito kung ang nagbabantay sa kanya ay pangit na nurse, ano na lang ang mangayayari sa kanila? Lalong lalala ang kanilang sakit),” dagdag pa nito.