Site icon Pinoy Publiko

Imee Marcos laglag pa rin sa magic 12 ng SWS survey

HINDI pa rin nakapasok sa magic 12 ng senatorial race ang utol ni Pangulong Bongbong Marcos na si Senador Imee Marcos sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS)

Laglag sa ika-14 na pwesto si Imee sa survey na isinagawa ng SWS mula Pebrero 15 hanggang 19, habang walo sa administration ticket ang pasok sa magic 12.

Kinomisyon ang sruvey ng Stratbase Group.

Nanguna pa rin si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na nakakuha ng 45 percent voter preference.

Ang pambato naman ng nakaraang administrasyon na si Senador Bong Go ang nasa ikalawang pwesto na may 38 percent at Senador Bato dela Rosa ay nasa ika-siyam na pwesto.

Nasa ikatlo at ika-apat na pwesto naman si Senador Lito Lapid at dating Senate President Tito Sotto, na may 36 at 34 percent, ayon sa pagkakasunod.

Nasa ikalimang pwesto naman ang kapatid ni Tulfo na si Ben Tulfo na isang independent candidate.

Tumalon naman sa ika-anim na pwesto mula sa dating 11-13th place si Senador Bong Revilla na nakakuha ng 33 percent.

Ang iba pang administration-backed candidates na nasa top 12 ay sina Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, at Makati Mayor Abby Binay.

Ang TV host at isa pang independent candidate na si Willie Revillame ay nasa ika-12 na pwesto.

Exit mobile version