Site icon Pinoy Publiko

Imee Marcos di sigurado kung kasali pa sa ‘Alyansa’

HINDI sigurado si ang reelectionist na si Senador Imee Marcos kung kasali pa siya sa tiket ng administrasyon matapos siyand hindi banggatin sa dalawang endorsement speech ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Anya hindi niya alam at hindi rin umano siya nagtatanong kung sinibak na ba siya sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Hindi rin umano niya nakakausap ang kapatid dahil maraming humaharang, ayon kay Imee sa panayam sa Pasig City nitong Linggo.

Kung hindi man umano siya isama sa listahan, ay OK lang din naman.

Matatandaan na hindi binanggit ni Bongbong si Imee sa rally sa Laguna nitong Sabado, kasabay ang pagsasabi na 11 ang kandidato ng Alyansa.

Wala rin anya siyang tawag na natatanggap mula sa campaign manager ng Alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco.

“It’s okay. I don’t even think about campaigning that much anymore,” dagdag pa nito.

Exit mobile version