Imee Marcos bigo pa rin makapasok sa magic 12 sa Pulse Asia senatorial survey

BIGO pa rin si Senador at reelectionist Imee Marcos na makapasok sa magic 12 ng Pulse Asia senatorial survey.

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula Marso 23 hanggang 29, nasa ika 15 pwesto lang si Marcos (na may ranking na 13-18).

Samantala nasa unang pwesto pa rin Senador Bong Go.

Umakyat din sa ikatlong pwesto ang kasama ni Go sa PDP-Laban na si Senador Bato dela Rosa at kasma nito si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa ikalawa at ikatlong rank (Rank 2-3).

Nakapasok na rin sa magic 12 ang isa pang PDP-Laban bet na si Philip Salvador.

Tinanong ng Pulse Asia ang 2,400 respondents.

Narito ang kabuuang listahan ng mga nakapasok sa magic 12.