MARIING itinanggi ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez ang akusasayon na siya at ang misis na si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez ang may pakana sa pag-ambush kay Albuera mayoral bet Kerwin Espinosa noong isang linggo.
“Do not believe somebody like him who has no credibility and a self-confessed drug lord. He will not do anything good for mankind,” ayon kay Gomez sa isang kalatas.
Una nang itinuro ni Espinosa ang mag-asawa na siyang utak ng pag-atake sa kanya habang nangangampanya.
Ayon kay Gomez, patuloy niyang iniimbestigahan ang insidente, bagama’t nakakita umano siya ng ilang palpak sa naging pahayag ni Espinosa.
“I am still investigating what really transpired and once I have definitive details I will give an interview. For now there are so many flaws to the whole story that we are watching,” dagdag ng dating aktor.
Nasugaan si Espinosa sa dibdib nang tambangan habang nangangampanya sa isang covered court sa barangay Tinag-an, Albuera, noong Abril 10.
Hinamon ni Espinosa si Gomez na tingnan ang ginawang pag-atake lalo pa’t ang mga sangkot dito ay ilang tauhan ng Ormoc Police Station na ngayon ay arestado na.