Site icon Pinoy Publiko

FPJ Panday Bayanihan ‘nanligaw’ sa Batangas

LIBO-libong mga Batangueño ang dumalo sa rally ng party-list group na FPJ Panday Bayanihan sa Lemery, Batangas ngayong Linggo.

Pinangunahan ni Senador Grace Poe at kanyang anak na si Brian Poe-Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan, ang rally sa Barangay Mataas na Bayan sa Lemery.

Kasama rin sa rally ang dalawa pang nominee na sina Mark Patron at Hiyas Dolor.

Sa kanyang talumpati, ipinakilala ni Brian ang kanyang sarili bilang “ang apo ng Panday”.

Nagpasalamat din si Llamanzares sa mainit na pagtanggap sa kanilang grupo sa Batangas.

“Ako po ang first nominee ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ako po ang apo ni FPJ, anak ni Senator Grace Poe, at adopted son ng San Jose, Batangas, ako po si Brian Poe,” pahayag niya.

Ipinakilala rin niya ang party-list na nagsimula anya bilang isang foundation may 10 taon na ang nakakaraan.

Nakatutok ang party-list na FPJ Panday Bayanihan Partylist sa pagsuporta sa mga Pinoy sa oras ng krisis.

Exit mobile version