Site icon Pinoy Publiko

FPJ Panday Bayanihan music video nag-trending; pumalo ng 1M views

UMABOT na sa mahigit isang milyong views ang music video na “Bayanihan Para sa Bayan”, ang official campaign jingle ng party-list group na FPJ Panday Bayanihan, isang linggo matapos itong ilunsad.

Marami ang natuwa at na-touch sa video na nagpapakita ng bayanihan spirit, ang sentro ng kampanya at adbokasiyang isinusulong ng partido na pinangungunahan ng apo ng hari ng pelikulang Filipino na si FPJ o Fernando Poe Jr. na si Brian Poe.

Naka-angkla ang tema ng video sa pagsasama-sama ng mga Pinoy para maisulong ang pagkakaisa at pag-asa para sa ikabubuti ng bansa at ng mamamayan nito.

Ayon sa grupo, ang video ay sumasalamin sa kanilang tapat na layunin na makapaglingkod sa bayan at tunay na pagmamalasakit sa kapwa.

Ang pag-abot ng 1 milyong views ay paalala ng kapangyarihan ng musika na magbuklod ng mga tao, at ng kahalagahan ng pagtutulungan tungo sa mas magandang kinabukasan.

Exit mobile version