HIGIT na pagpapalakas sa karapatan, proteksyon ng mga katutubong Pinoy ang isusulong ng FPJ Panday Bayanihan party-list.
Ito ang giit ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan kasabay ang pangako na mas palalakasin pa ang Indigenous Peoples Right Act (IPRA) bilang dagdag proteksiyon sa lupaing katutubo at direktang paglahok ng nasabing sektor sa paggogobyerno.
Naniniwala si Poe na patuloy ang malaking hamon na kinakaharap ng Indigenous Peoples (IPs) lalo sa pagseguro ng pagkilala at proteksyon ng kanilang mga ancestral domain dahil sa magkasalungat na mga batas at patakaran.
Bagamat ang IPRA ay naglalayong kilalanin at protektahan ang mga karapatan ng IP, sinabi ni Poe na hindi kumpleto ang pagpapatupad nito.
Hangad ng FPJ Panday Bayanihan party-list na magkaroon ng direktang kinatawan ng mga katutubo sa Kongreso at lokal na pamahalaan upang masiguro ang kanilang boses at karapatan.
“Ang mga katutubo ay kadalasang hindi gaanong kinakatawan o hindi kasama sa mga proseso ng paggawa ng desisyon na nakaaapekto sa kanilang buhay at teritoryo, na humahadlang sa kanilang kakayahang isulong ang kanilang mga karapatan at interes,” saad ni Poe.
May 180 IP group sa bansa.