Site icon Pinoy Publiko

Espiritu, Kiko, Bam top 3 sa Ateneo Law School senatorial mock poll

NANGUNA si labor leader at human rights lawyer Luke Espiritu sa isinagawang senatorial mock poll ng Ateneo Law School community.

Nakakuha ng 80.7 porsiyento ng boto si Espiritu sa 4-day mock polls na isinagawa ng Ateneo Law School community na inorganisa ng Ateneo Human Rights Center.

Si Espiritu ay graduate din ng Ateneo Law School.

Pasok din sa magic 12 ang mga dating Senador na Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Samantala, tatlomg pambato ng administrasyong Marcos ang nakapasok din sa magic 12. Ito ay sina dating Interior Secretary Benhur Abalos (4th), dating Senador Ping Lacson (8th ) at Makati City Mayor Abby Binay (11th).

Inorganisa ang mock senatorial election ng mga resident interns ng Ateneo Human Rights Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power.

Samantala, ipinaala rin ng Ateneo Human Rights Center na ang resulta ng mock elections ay hindi repleksyon ng kanilang pananaw.

Exit mobile version