Doc Willing Ong umatras sa senatorial race

INIURONG na ni Doc Willie Ong ang kanyang kandidatura bilang senador para sa nalalapit na Mayo 12 midterm elections.

Inanunsyo ni Ong, na isa ring vlogger, ang pag-atras sa senatorial race sa kanyang Facebook page ngayong Huwebes, Pebrero 13, 2025.

“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” ayon kay Ong na nakikipaglaban sa sarcoma cancer.

Gayunman, iginiit ng doktor na patuloy niyang susuportahan ang pagsusulong ng good governenace at mga kandidato na may adbokasiya gaya ng sa kanya.

“I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideal as mine.”

Inilahad ni Ong ang kanyang planong pagtakbo sa 2025 elections noong Setyembre.