NANGUNA ang reelectionist na si Senador Bong Go sa pinakahuling senatorial survey ng Pulse Asia.
Naungusan ni Go, na nakakuha ng voter preference na 58.1 percent, ang dating frontrunner na si ACT-CIS party-List Rep. Erwin Tulfo na ngayon ay nasa ikalawang pwesto at may 56.6 percent.
Gayunman, magkasalo sina Go at Tulfo sa 1-2 ranking, ayon sa survey na ginawa mula Pebrero 20 hanggang 26.
Ang kontrobersyal na reelectionist na si Senador Bato dela Rosa na posibleng maisyuhan din ng warrant of arrest ng International Criminal Court kaugnay sa madugong war on drugs noong panahon ng administrasyong Duterte ay umakyat sa ikalimang pwesto (4-7 ranking).
Samantala, laglag pa rin sa magic 12 ang kapatid ng pangulo at reelectionist na si Senador Imee Marcos na nasa ika-14 na pwesto.
Narito ang kabuuan ng mga nakapasok sa magic 12:
1. Sen. Bong Go (58.1%, rank 1-2)
2. Rep. Erwin Tulfo (56.6%, rank 1-2)
3. Former Senate President Tito Sotto (49.0%/ rank 3-4)
4. Sen. Ramon Revilla Jr. (46.1%, rank 3-6 )
5. Sen. Ronald dela Rosa (44.3%, rank 4-7 )
6. Willie Revillame (42.3%, rank 4-9)
7. Ben Tulfo (40.7%, rank 5-11 )
8. Former Senator Manny Pacquiao (39.9%, rank 6-12)
9. Sen. Manuel Lapid (39.4%, rank 6-13)
10. Makati City Mayor Abby Binay (37.6%, rank 7-13)
11. Sen. Pia Cayetano (37.5%, rank 7-13)
12. Las Piñas City Rep. Camille Villar (36.6%, rank 8-13 )