Ang Bumbero ng Pilipinas party-list top 14 na

UMANGAT na sa ika-14 pwesto Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-lis, batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025-Pre Election Preferential Survey.

Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere nakakuha ng 1.68 percent ang ABP party-list na nilahukan ng may 2,400 mobile based repondents na may 196 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence level gamit ang Stratified Sampling Quote.

Isinagawa ag survey mula Pebrero 11-14.

Ang nasabing party-list group na pinangungunahan ng first nominee nito na si Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, ay siyang kumakatawan sa mga bumbero, fire volunteers at rescuers sa buong bansa.

Ang iba pang nominees ay sina Lenin Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga.

“Tuloy ang laban para sa mas ligtas, mas handa at mas protektadong Pilipinas” ayon kay Goitia sa isang kalatas, kasabay ang pasasalamat sa mga sumusuporta sa grupo na handang tumulong hindi lang tuwing may sunog kundi maging sa iba pang kalamidad.

Ayon pa kay Goitia prayoridad ng ABP party list na mabigyan ng boses sa Kongreso ang mga bumbero, fire rescuers at voluteers na handang isakripisyo at isuong ang kanilang buhay upang makapagligtas ng tao at ng kanilang ari-arian sa panahon ng sunog at kalamidad.

Ninanais din ng ABP party list na magkaroon ang mga bumbero ng sapat na benepisyo, insurance at medical assistance sa mga panahon na naaksidente sila pagresponde na maapula ang sunog .

Maging ang pagbibigay sa mga ito ng dagdag na kaalaman at kasanayan para sa mas epektibong emergency response.

Makakatanggap naman ng livelihoood program assistance ang myembro ng kanilang pamilya.

Layunin din ng ABP na mabigyan ng sapat na kaalaman at training ang bawat barangay upang mas higit na maging handa sa panahon ng sunog at iba pang kalamidad.

Hangarin din ng grupo na makapagbigay ng mga fire trucks at emergency services upang matiyak na may sapat na transportasyon sa pag responde lalo na sa mga liblib na lugar.

Ang ABP party list ay isa sa 155 party list organization na nagnanais magrepresenta sa marginalized sector ng lipunan sa Mababang Kapulungan sa darating na elekyon sa Mayo 2025.