Site icon Pinoy Publiko

‘Alyansa’ ni Marcos susugod, susuyuin balwarte ni Duterte sa Davao del Norte

SUSUGOD sa Davao del Norte, kilalang balwarte ni dating Pangulong Duterte at anak na si Vice President Sara Duterte, ang senatorial team ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Sabado para suyuin ang mga botante.

Sisimulan ng “Alyansa” ang campaign rally nito kasama ang pangulo, ayon kay Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang campaign manager ng grupo.

Naniniwala si Tiangco na magdedeliver ng boto ang Mindanao para sa kanilang grupo dahil nanalo si Marcos dito noong 2022 presidential elections kasama si Sara.

“Just as they stood behind PBBM, we believe our Mindanaoan brothers and sisters will back our Senate slate, which shares his vision for progress,” pahayag ni Tiangco sa isang kalatas.

Manunuyo ang mga kandidatong reelectionist na sina Pia Cayetano, Imee Marcos, Lito Lapid, Bong Revilla, at Francis Tolentino; dating Senador Tito Sotto, Panfilo Lacson, at Manny Pacquiao; Makati Mayor Abby Binay, Interior Secretary Benhur Abalos, Deputy Speaker Camille Villar at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo.

Sa kick-off rally ng Alyansa sa Ilocos Norte, sinabi ni Marcos na tanging ang kanyang senatorial slate lang ang buo at walang bahid ng dugo ng tokhang, hindi nakinabang sa Pogo operations at hindi sunud-sunuran sa China.

Exit mobile version