PATAY ang second nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas party-list matapos itong ambusin Lunes ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Batay sa inisyal na ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na bago mag-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa P. Guevarra St., Sampaloc, Maynila.
Ayon sa report, kadarating ni Bacud sa lugar at kabababa ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasaky sa motorsiklo.
Isang pulis sa lugar ang nagkapagresponde sa ambush at nakipagbarilan sa mga suspek ngunit nakatakas pa rin sakay ng isang motorsiklo.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito naisalba pa.
Patuloy na iniimbestigahan ang krimen upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring insidente.