NANGAKO si vice presidential candidate Walden Bello na magiging prayoridad niya ang pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima sakaling siya ang manalo sa darating na halalan.
Nasa ika-limang taon na sa kulungan ang si De Lima, na tumatakbo for reelection ngayon sa kabila ng kanyang pagkakakulong.
“Senator Leila de Lima marks 5th year of unjust imprisonment. One of the reasons I am running for vice president is to free this innocent woman framed by an evil president,” sabi ni Bello.
Idinagdag ni Bello na uunahin nila ng kanyang ka-tandem na si Ka Leody De Guzman ang pagbasura sa mga kaso laban kay de Lima.
“One of the first things President Leody de Guzman and I will do when we assume office is to free Leila,” ayon pa kay Bello.
Pebrero 24, 2017 nang arestuhin at ikulong si de Lima sa Camp Crame dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.