LUMIPAT kay Vice President Leni Robredo ang volunteer group ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na Ikaw Muna (IM) Pilipinas.
Inihayag ng IM Pilipinas sa pamumuno ni dating Transportation undersecretary Tim Orbos, na ibinibigay nito ang pagsuporta kay Robredo, kasabay ng panawagan sa ibang kandidato sa pagkapangulo at kanilang mga tagasuporta na magkaisa na para matalo ang frontrunner na si dating senador Bongbong Marcos Jr.
“It is time for presidential candidates to agree to come together,” sabi ni Orbos.
“There is hardly a month left and we know drastic measures are needed at this point… I therefore ask the supporters of other candidates to talk and push their candidates to support VP Leni instead,” ayon pa kay Orbos.
Ayon sa grupo, aabot sa 200,000 ang mga miyembro nito sa buong bansa.