ITINANGGI ng Uniteam nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sara Duterte-Carpio na may kinalaman ito sa umano’y pamimigay ng food stub at raffle ticket sa mga dumalo sa campaign rally ng tandem sa Bulacan.
Pinabulaanan ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos, na sila ang namahagi ng food stub.
“None at all, we have no idea,” nang tanungin ukol rito.
Itinanggi rin ni Bulacan Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na may kinalaman siya sa pamimigay ng food stubs.
“Anong stubs? Hindi ko alam yan,” giit ni Alvarado na ikinakampanya ang Uniteam sa kanyang probinsya.
Kahapon ay kumalat ang litrato at video na binigyan ng stubs ang mga taong dumalo sa kampanya sa Guiguinto.
Napag-alaman din na inutusan ang mga ito na sagutan ang forms para makakuha ng pagkain sa mga itinayong stalls.
Mukhang raffle ticket ang stub pero hindi naman nalaman kung nagkaroon ng raffle matapos ang kampanya.