UMAASA ang kampo ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na kalahating milyon katao ang dadalo sa kanilang miting de avance sa Mayo 7 sa Makati City, dalawang araw bago ang halalan.
Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez na inaasahan nilang mas maraming dadalo kaysa sa grand rally ni Robredo sa Pasay City nitong nakaraang Abril 23 kung saan 400,000 katao ang lumahok sa event na sinabayan din ng ika-57 kaarawan ng pangalawang pangulo.
“We expect that this will be more. Conservatively, I think the campaign is banking on at least half a million although some are saying we can easily hit a million attendees to the Saturday miting de avance in NCR,” sinabi ni Gutierrez.
Sinabi ni Gutierrez na kasalukuyang nag-iikot sa bansa si Robredo, bumisita sa ilang probinsya dahil nakatakdang matapos ang campaign period ngayong Sabado.