ILANG oras na lang at milyon-milyong Pilipino ang dadagsa sa mga polling precincts para maghalal ng mga bagong opisyal ng gobyerno.
Gayunman marami pa rin ang nagtatanong kung ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin bago bumoto.
Narito ang walong steps ng tamang pagboto
- Alamin/ Tandaan ang iiyong precinct number.
- Pumila sa holding area ng iyong presinto. Lumapit sa Electoral Board (EB) na may layong isang metrong distansiya at sabihin ang iyong pangalan at precicnt number.
- Hingin ang balota, ballot secrecy folder, marking pen, at BUMOTO sa voting area.
- Itiman ang bilog sa kaliwa ng pangalan ng kandidatong napili gamit ang marking pen. HUWAG bumoto ng sobra sa nakatalagang bilang sa bawat posisyon.
- Ilagay ang balota sa ballot secrecy folder.
- Ipasok ang balota sa Vote Counting Machine (VCM).
- Magpalagay ng indelible ink sa daliri at kunin at suriin ang voter’s receipt mula sa EB.
- Ihulog ang voter’s receipt sa nakatalagang kahon.