Social media star Bretman Rock suportado si Robredo

NAGPAHAYAG ng suporta ang popular na Filipino-American YouTuber na si Bretman Rock sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.


Sa serye ng Instagram stories, ibinahagi ni Bretman ang mga photos at videos ng pangangampanya ni Robredo.


Si Bretman ay anak ng mga Ilokano mula sa Cagayan Valley.


Isa sa mga videos na ipinost niya ay ang closing speech ni VP na sinabi na, “The best man for the job is a woman.”


“This statement shook me to the core … My president is a woman,” hirit ni Bretman.