INANUNSYO ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pitong senatorial bets na kanyang susuportahan sa darating na 2022 elections.
Una sa kanyang listahan ang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ikalawa ay ang malapit na kaibigan at dating Presidential Spokesman Harry Roque. Kabilang din sa listahan si dating Senador Jinggoy Estrada, ex-Public Works and Highways Secretary Mark Villar, dating Defense Secretary Gibo Teodoro, dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, at Antique Representative Loren Legarda.
Si Sara ay tumatakbo kasama si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Inendorso na rin ni Marcos ang mga kandidatura na sina Estrada, Roque at Villar.