Silent majority na kay Isko

NANINIWALA ang kampo ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na tahimik lang ang mayorya ng mga botante sa kung sino ang susuportahan nila.

Ayon kay Lito Banayo, campaign manager ni Moreno, na ang alkalde ang susuportahan ng silent majority, taliwas sa paniwala naman ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

“We think the silent majority will gravitate towards Isko Moreno and not Vice President Leni, with all due apologies to the handlers of Vice President Leni,” paliwanag ni Banayo sa programa ng ABS-CBN News Channle na Headstart.

Ayon kay Banayo, hindi makukuha ni Robredo ang boto ng mayorya lalo pa’t nakasentro ang kanyang kampanya sa mga kalaban sa pulitika.

“Precisely because the message of Vice President Leni has been centered on targeting her political enemies,” anya.

Hindi rin umano tinatarget ni Moreno na kunan ng boto si Robredo, kundi ang kanilang common enemy na si dating Senador Bongbong Marcos na siyang nangunguna sa mga survey.

“She will get 14 to 15 percent and that is her cap. So, we are not targeting the votes of Vice President Leni Robredo,” dagdag ni Banayo.

“We have a common enemy whether it is Vice President Leni or us, and the common enemy is the frontrunner right now which is Ferdinand Marcos Jr.,” paliwanag pa nito.