Sara ibinuking ni Salceda: Noong Mayo pa gustong tumakbong pangulo

ISINIWALAT ng ka-alyansa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na si Albay Rep. Joey Salceda na nais nitong tumakbo sa pagkapangulo noong Mayo pa.

Ayon kay Salceda, hindi nagbago ang isip ni Duterte-Carpio dahil noon pa man ay nais na nitong tumakbo sa pagkapangulo.

“She wanted to be president in the first place since May. Yun naman talaga ang nakikita naman nya e,” ani Salceda.

“There is that unyielding firmness to purpose. Ang dami, everything thrown at her from the side of her father. Ayoko nang pag-usapan sana yan because tapos na yan, di na dapat pag-usapan,” dagdag pa nito.

Nito lamang ay inatras ni Duterte-Carpio ang kanyang re-election bid.

“There were just stumbling blocks towards it. So in order to clear it, di naman niya pwedeng diktahan ang tatay niya. So she had her way of clearing these roadblocks. She wanted to be president,” ayon pa kay Salceda.

Bago ito ay makailang ulit itinanggi ni Duterte na tatakbo siya sa pagkapangulo.