WALA na rin balak si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na dumalo sa debate na inilalatag ngayon ng CNN Philippines.
Ang kanyang presidential runningmate na si dating Senador Bongbong Marcos Jr., ay pinanindigan na rin na huwag na rin siputin ang debate ng nasabing network, na gagawin sa Pebrero 27, 2022.
Sa Pebrero 26 naman nakatakda ang debate para sa mga vice presidential candidates.
Ayon sa CNN Philippines, tanging sina Marcos at Duterte lamang ang hindi dadalo sa debate.
“Former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. is the lone presidential hopeful who will not attend the debates for now due to conflict of schedule,” ayon sa anunsyo ng CNN ngayong Lunes.
Hindi naman tinukoy ni Duterte ang dahilan kung bakit hindi siya dadalo sa debate.
Matatandaan na una nang tumanggi si Marcos na wag daluhan ang presidential interview ng GMA journalist na si Jessica Soho dahil sa biases nito. Hindi rin dumalo si Marcos sa presidential forum na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).