Roque tuloy sa Senado

TULOY na ang pagtakbo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Senado.

Nakatakdang ganapin ni Roque ang kanyang huling press briefing ngayong alas-12 ng tanghali bago ang kanyang nakatakdang paghahain ng kandidatura mamayang alas-2 ng hapon.

Tatakbo si Roque sa ilalim ng People’s Reform Party (PRP) ni yumaong dating senador Miriam Defensor-Santiago.

Otomatikong resign na si Roque sa kanyang pwesto sakaling maihain na ang kanyang certificate of candidacy (CoC).