BAGAMAT hindi pinangalanan, pinaringgan ni Vice President Leni Robredo si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa kabiguan niyang dumalo sa mga debate.
“You show up in the most difficult times. Pag hindi ka mag-show up in the most difficult times, hindi ka leader. Kahit mahirap, dapat nandyan ka para sagutin yung mga itatanong sa iyo,” sabi ni Robredo sa debate na inorganisa ng CNN Philippines.
Sa 10 kandidato sa pagkapangulo, tanging si Marcos Jr., lamang ang absent dahil busy umano ito sa kanyang pangangampanya.
“Ito ay pagbibigay halaga at respeto sa taumbayan na maghahalal sa iyo. Bigyan mo ng oras kasi yun ang pagpapakita ng respeto mo sa proseso,” ayon pa kay Robredo.