Robredo kay Digong: Pangalanan mo kandidatong gumagamit ng cocaine

HINAMON ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo si Pangulong Duterte na pangalanan niya ang tinutukoy niyang kandidato na gumagamit ng cocaine.

Bukod dito dapat din anyang sampahan ng kaso ang nasabing politiko kung may ebidensiya si Duterte.

“If there is evidence, he should show it and file charges against this person,” pahayag ni Robredo nang makapanayam sa isang pagtitipon sa Quezon Province.

Sa kabila nito, sinabi ni Robredo na hindi dapat ibinandera pa ni Duterte ang isyu tungkol sa kandidatong gumagamit ng ilegal na droga at sa halip ay isinalegal ang hakbang nito.

“It should have been done this way (legally). For me, I am sure that the President has access to a lot of information that we do not have. I think he is the only one who can prove his accusation,” dagdag pa ni Robredo.

Sa kanyang pahayag sa Mindoro nitong Huwebes, sinabi ni Duterte na merong isang kandidato ang gumagamit ng cocaine. Hindi man pinangalanan, nagbigay naman ito ng hint na galing ito sa prominenteng pamilya at kilala ang tatay.

Tiniyak naman ni Robredo na hindi siya ang pinatutungkulan ni Duterte.