Robredo kampanteng makukuha boto ng Bicol

KUMPIYANSA si presidential candidate at Vice President Leni Robredo na makukuha niyang muli ang boto ng Bicol sa darating na halalan gaya nang nangyari noong 2016.

Idinagdag ni Robredo na umaasa siya sa suporta ng Bicol sa harap naman ng ipinagmamalaki ng kanyang mainit na katunggali na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na solid north.

Aniya, nasa likod niya ang iba’t ibang grupo at lokal na opisyal sa Bicol Region.

“I think the most important thing here is the fact that they are not just supporting me, but they believe that if I were given a chance, this would be a big opportunity for the Bicol Region,” aniya.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang regional political party Kusog Bicolandia para sa kandidatura ni Robredo.