ITINANGGI ni Vice President Leni Robredo na kabilang si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa kanyang mga campaign adviser.
Kasabay nito, nagbanta rin si Robredo na kakasuhan ang nagpakalat ng pekeng ulat.
Sa isang kalatas, sinabi ni Robredo na hindi pa niya nakikita o nakakausap man lang si Sison na ilang taon na exiled sa The Netherlands.
Aniya, pinag-aaralan na ng kanyang legal team ang pagsasampa ng kaso laban sa Journal News Online na nagpakalat umano ng nasabing fake news.
Itinanggi rin ni Sison ang balita.
“I have not been advising Leni Robredo, although I think that she is a far more qualified candidate for president than Ferdinand Jr. who has no qualification but to campaign with too much money from the bureaucratic loot of the late unlamented fascist dictator, Ferdinand Sr.,” sabi ni Sison.