#PULSOngPUBLIKO: Isko mas posibleng iendorso ni Digong

KUNG sakaling meg-endorso man si Pangulong Duterte ng presidential candidate, malamang na si Manila Mayor Isko Moreno ang makakuha nito.

Ito ay base sa mga netizens na sumagot sa poll ng Pinoy Publiko na may tanong na:
“Kung mag-eendorso ng presidentiable si Duterte, sino sa tingin ninyo ang kanyang pipiliin?”

Tatlo ang pagpipilian sa nasabing poll: sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Senador Manny Pacquiao at Moreno.

Mayorya sa mga sumagot ang naniniwalang si Moreno ang pipiliin ni Duterte at pangalawa si Marcos.

Wala namang bumoto kay Pacquiao.