LALONG lumayo si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte mula sa pumapangalawang si Senate President Tito Sotto sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na inilabas ngayong Miyerkules.
Sa survey na isinagawa noong Marso 17 to 21, nakapagtala ng 56 percent si Duterte, tatlong puntos na mas mataas sa survey na ginawa noong Pebrero.
Samantala, bumaba ng apat na porsiyento si Sotto na nakakuha ng 20 percent mula sa dating 24 percent.
Nasa ikatlong pwesto naman ang running mate ni Vice President Leni Robredo na si Senador Francis Pangilinan na nakakuha ng 15 percent, habang si Doc Willie Ong ay nakapagtala ng limang porsiyento.