“I am all for civil unions.”
Ito ang naging tugon ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa tanong kung ano ang kinabukasan ng civil union ng LGBTQ sa Pilipinas?
“May karapatang lumigaya kahit sino. Hindi dapat sila pinaparusahan because of the choice they make. Hindi dapat sila nadidiscriminate,” pahayag pa ni Robredo sa isinagawang presidential debate na inorganisa ng CNN Philippines.
Maging si Senator Panfilo Lacson ay pabor sa civil union, ngunit hindi siya pabor sa same sex marriage.
“Civil union, yes. Bigyan natin sila ng equal na oportunidad,” ayon kay Lacson.
Maging si Senador Manny Pacquiao ay hindi pabor sa same sex marriage.
“Hindi natin sila ina-underestimate. ‘Yung pagdating sa same-sex marriage, against po ako diyan. ‘Yung mga LGBTQ+, saludo po ako sa kanila, hindi nga lang po sa ibang aspeto.”