PNP iimbestigahan presidential aspirant na gumagamit ng cocaine

IIMBESTIGAHAN ng pulisya ang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine, ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos.

Dagdag pa ni Carlos, kikilos na ang Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang mangunguna sa gagawing imbestigasyon.

“Tinap po namin kaagad ang PDEG bilang sila namamahala sa droga,” ani Carlos.

“We will get the update from PDEG. We will attest that whether this is an information na kailangang maihayag,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ang isang presidential aspirant ng cocaine.