MARIING itinanggi ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na may nilulutong partnership sa pagitan niya at ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa darating na eleksyon.
Giit ni Lacson, hindi niya maaaring ilaglag ang ka-tandem na si Senate Vice President Vicente Sotto III, at ito ang mananatili niyang katambal hanggang sa dumaring ang halalan.
“With all due respect and not taking anything away from Mayor Sara Duterte-Carpio, I intend to stick it out with my partner, Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, as my running-mate all the way,” sinabi ni Lacson.
“I believe Mayor Sara feels the same way about her presidential candidate,” dagdag pa niya.
Muling iginiit naman ng mambabatas na nakatuon ito sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino at tatapusin ang korapsyon sa bansa.