UMALMA ang kampo ni Sen. Koko Pimentel sa pagsibak ng PDP Laban Cusi wing kay Sen. Manny Pacquiao bilang miyembro ng partido.
Iginiit ni Pimentel na may alyansa ang PDP Laban sa Promdi na siyang inirehistrong partido ni Pacquiao sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo nitong Biyernes, October 1.
“He was officially nominated and proclaimed as presidential candidate also by Promdi in their National Assembly. Hence everything is normal and in order per our party constitution. The issue being propagated by Cusi plus Matibag is a figment of their imagination which they want to use for their own political propaganda,” sabi ni Pimentel.
Idinagdag pa ng senador na dapat magpaliwanag din ang grupo nina Cusi sa biglaang paghahain ni Sen. Christopher “Bong” Go ng kanyang COC bilang bise presidente.
“What is happening to their group? Don’t they coordinate at all? Don’t they observe any formalities at all? Are they a group of people who just change their minds in an instant and then that is already the group’s decision?” ayon pa kay Pimentel.