PROUD na proud na isinapubliko ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ibinoto niya si Leni Robredo bilang presidente.
Bumoto sa ongoing overseas absentee voting si Wurtzbach sa Philippine Embassy sa UAE.
“Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next president. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae,” pahayag ng beauty queen.
Hinimok din niya ang mga overseas Filipino voters na bumoto.
“Please make time for it because your vote counts.”
Sinimulan ang 30-araw na overseas absentee voting noong Abril 10 hanggang Mayo 9.