MULING ikinampanya ni Pangulong Duterte ang mga pambato ng PDP Laban sa senatorial race at mga local na kandidato sa Caloocan City.
Sa kanyang talumpati, pinayuhan pa ni Duterte ang mga boboto na magdala ng kanilang listahan.
“You know there’s a lot of people who think na masama ‘yang magdala ka ng papel. Hindi ho, it’s all right, lalo na kung magkopya ka because you cannot remember ‘pag nandoon ka na… I don’t know a certain sa environment, nakakalimutan mo na ‘yung iba,” sabi ni Duterte.
Aniya, mas maganda nang may listahan ng mga susuportahang kandidato sa nasyunal man o lokal.
“If you want to vote straight, fine; if not, then you can choose, maglista kayo ng mga kandidato na gusto ninyo. It is all right to copy a list prepared by you or a sample ballot that is given to you during election time,” aniya.