BAGAMAT iniatras na ng Partido Reporma ang suporta nito kay Senador Panfilo Lacson at ibinigay sa kalaban na si Vice President Leni Robredo, mananatili namang bet ng grupo sa pagkabise presidente si Senate President Tito Sotto.
“Si Senate President Tito Sotto ,” tugon ni Partido Reporma president at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez nang tanungin sa TV program na The Chiefs Huwebes ng gabi.
Si Sotto ang vice presidential running mate ni Lacson na chairman naman ng isa pang partido — ang National People’s Coalition.
Inihirit naman ni Alvarez kay Robredo na suportahan din ang pambato ng partido sa senatorial race na si Monsour Del Rosario na nagdeklara na rin ng suporta para sa bise presidente.
“Hindi ko po alam ang amin kung kukunin… pero kami, ako ay sa grupo namin, patuloy ang suporta namin kay Monsour Del Rosario at sa iba pang mga kandidato ng Reporma pagka-senador,” ayon kay Alvarez.