NAGSALITA na ang founder at chairman emeritus ng Partido Reporma na si dating Defense Secretary Renato de Villa na mananatili ang kanyang suporta para kay presidential candidate Panfilo Lacson.
Ito ay sa kabila nang paglaglag ng partido kay Lacson at pagbibigay ng endorso nito kay Vice President Leni Robredo.
“As an original endorser of Sen. Ping Lacson for President, let me further say: I will stick with Ping and continue to endorse and support him. Like a true soldier in combat, I hope that those fighting for him in this political battle will continue the fight and not leave him behind,” ayon kay De Villa sa kalatas na inisyu ng kampo ni Lacson ngayong Biyernes.
Ayon pa kay De Villa, ikinagulat din niya ang mga pangyayari dahilan para kay Lacson na lisanin ang partido at ideklara ang sarili bilang independent candidate.