UMATRAS si Manila Rep. Manuel Lopez sa dapat ay laban nito sa mayoralty race sa lungsod ng Maynila.
Sa halip ay reelection na lang ang tatakbuhin nito sa 2022 elections mtapos itong maghain ng kanyang certificate of candidacy bilang kongresista sa unang distrito ng Maynila ngayong Biyernes, Okt. 8.
Si Lopez sana ang pambato ng administration party na PDP-Laban at ipangtatapat kay Vice Mayor Honey Lacuna na nasa ilalim ng tiket ni Isko Moreno na tatakbo naman sa pampanguluhan.
Paliwanag ni Lopez, nagbago ang isip niya na tumakbong alkalde at gugustuhin na kumpletuhin na lamang ang kanyang legislative agenda.
“I thank President Rodrigo Duterte for endorsing me as PDP-Laban’s mayoralty candidate in Manila. But after much reflection, I respectfully informed him of my desire to finish my term in Congress. The President graciously acceded to my request,” ani Lopez sa isang kalatas.