Palasyo minaliit paghataw ni Sotto sa survey

MINALIIT ng Malacañang ang resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan nangunguna si Senate President Vicente Sotto III sa mga kakandidato sa pagka-bise presidente.


Sa survey, nakakuha si Sotto ng 25 porsyento habang nakakuha lamang ng 14 porsyento si Pangulong Duterte.


Ani presidential spokesperson Harry Roque, ginawa ang survey bago ang pormal na paghahain ng certificate of candidacy (CoC) ng mga kakandidato.


“The latest Pulse Asia survey was done when aspirants, including President Rodrigo Roa Duterte who expressed interest to run for the Vice Presidency position, have yet to file their Certificates of Candidacy, and there are uncertainties on PRRD’s electoral bid,” ayon pa kay Roque.


Ginawa ang survey noong Setyembre 6-11.


“Be that as it may, the President remains the candidate to beat in the 2022 elections,” dagdag ni Roque. –WC