DUMISTANSIYA ang Palasyo sa isinasagawang Oplan Baklas ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsasabing ito’y hiwalay na sangay ng pamahalaan.
Sa kanyang briefing, sinabi ni Acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang Comelec dapat ang magpaliwanag hinggil sa pagbabaklas ng mga campaign materials.
“And we know na based on the Constitution na ang Comelec is an independent constitutional body. So, for election related activities, it’s really Comelec’s rules and regulations ang mai-implement o i-implement ng Comelec based on its constitutional mandate,” giit ni Nograles.
Nauna nang kinuwestiyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagtatanggal ng mga tarpaulin maging sa mga pribadong pag-aari.