SUSUKO na sa pulitika si Manila Mayor Isko Moreno kung hindi saiya papalaring manalo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
“Tapos na ang buhay, move on. Para lang syota ‘yan, nagkahiwalay kayo, move forward. Pahinga na rin,” ayon kay Moreno na pambato ng partidong Aksyon Demokratiko.
Aniya, hindi na rin siya muling tatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila.
“Tapos na ko. I did my share. That’s why I offered myself to the people hangga’t malakas pa ‘ko. Kasi nangyayari baka mamaya may pandemya nakapagpahalal tayo ng medyo may edad na naman. Mahihirapan,” paliwanag pa ng alkalde.
“Di natin minamaliit yung edad. Pero sa hirap ng buhay ng mga kababayan sa pandemyang ito and post pandemic, kailangang mabilis kumilos. So you know, there are things that needs to be considered,” dagdag ng alkalde.
Kung sakaling manalo naman siya, tiniyak ni Moreno na ito ang huling posisyon na hahawakan niya sa pamahalaan.