ITINANGGI ni presidential candidate at Senador Manny Pacquiao ang mga kumakalat na balita sa social media na uurong na siya sa eleksyon.
“Hindi po ako magba-back out. Tuloy ang laban ni Manny Pacquiao,” giit ni Pacquiao.
“Kung sino man ang nagpapakalat na magba-back out ako, baka sila ang gusto mag-back out,” ayon pa kay Pacquiao.