Pacquiao hinamon mga kalaban sa F2F presidential debate

NAIS ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao na magkaroon ng presidential debate.

Ngunit aniya, kailangan lahat ng tumatakbo sa posisyon ay kasama sa debate at dapat gawin ito ng face-to-face.

“Gusto ko face-to-face tapos may audience,” ayon kay Pacquiao.

“Nararapat lamang [na present lahat] dahil hindi naman ito barangay captain na tinatakbo natin. Hindi konsehal ang tinatakbuhan natin kundi bilang Pangulo ng buong bansa,” dagdag pa niya.

Aniya, kailangan ipakita ng kandidato na handa siyang pagsilbihan ang bayan.

Naniniwala si Pacquiao na ang mga kandidato na hindi dumadalo o ayaw ma-interview ay may itinatago.

“Pwedeng duwag, pwedeng may tinatago, pwedeng ayaw mahalungkat yung tinatago,” dagdag pa ni Pacquiao.