NAGSIMULA na ang nationwide gun ban na iniutos ng Commission on Elections, hudyat na simula na rin ng 150-day election period.
Ibinaba ang kautusan Linggo ng hatinggabi at magtatapos ito sa Hunyo 8, isang buwan matapos ang May 9 national elections.
Ngayon na may gun ban, nangangahulugan na suspendido ang lahat ng lisensiya at permit to carry firearms sa labas ng tahanan. Tanging mga miyembro lamang ng law enforcement units na inatasan ng Comelec ang maaaring makapagdala ng baril.
Nahaharap sa isa hanggang anim na taon na pagkakakulong ang sinoman lalabag sa kautusan.