Mayweather suportado presidential bid ni Pacquiao

SUPORTADO ng world boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. ang presidential bid ng kapwa niya boksingero na si Senador Manny Pacquiao.

Sa panayam kay Mayweather ng FightHype, sinabi nito na susuportahan niya ang kandidatura sa pagkapangulo ng dating kalaban sa ring.

Bukod dito, posibleng magtungo pa siya sa Pilipinas para tulungan si Pacquiao lalo’t may binubuong charity basketball game ang senador.

“Absolutely,” ayon kay Mayweather, na nagretiro sa boksing na may 50-0 na rekord, nang tanungin kung susuportahan niya si Pacquiao.

“He could be bringing us there to help him win, that’s possible,” dagdag pa nito.

Nagtapat sina Mayweather at Pacquiao noong 2015 sa match na tinawag na “Fight of the Century”. Ang Amerikanong boxer ang nanalo via unanimous decision.

“Me and Pacquiao actually, I think we’re gonna play basketball in the Philippines. That’s coming up soon. I think January,” pahayag pa ni Mayweather.

“We’re gonna play a little bit of basketball. We’re gonna take some guys out there. We got some former NBA players a couple of AND1 players, so it’s going to be interesting,” dagdag pa nito.