Marcos patuloy sa pangunguna sa Pulse Asia survey; Leni umangat ng 9 percent

PATULOY ang pangunguna ni presidential frontrunner dating Senador Bongbong Marcos habang humahabol si Vice President Leni Robredo matapos makapagtala ng nine percent increase sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong Marso 17 hanggang 21, nakapagtala si Marcos ng 56 percent, mababa ng apat na puntos kumpara sa isinagawang survey noong February 18 hanggang 23.

Samantala si Robredo ay umakyat ang bilang sa 24 percent mula sa dating 15 percent.

Patuloy ang pamamayagpag ni Marcos sa Metro Manila matapos magtala ng 64 percent, habang 54 percent sa Balance Luzon, 48 percent sa Visayas at 62 percent sa Mindanao kumpara kay Robredo na meron 17 percent lang sa Metro Manila, habang 30 percent sa Luzon, 28 percent sa Visayat at 14 percent sa Mindanao.

Nananatili namang nasa ikatlong pwesto si Manila Mayor Isko Moreno na nakapagtala ng walong porsiyento, mas mababa ng dalawang puntos kumpara sa February survey. Si Senador Manny Pacquiao at Panfilo Lacson ay nasa ika-apat at ikalimang pwesto.